I got this from my sister (thanks bunso!) through email, at
napangiti ako sa title pa lang. ^_^ Ptr.Ed Lapiz really makes biblical
truths and principles easier to understand and take in through his
practical, witty and humorous explanations and illustrations. Sharing
this to all you couples who are in this same wonderful journey we call "marriage". God bless us all! PS. pde rin ito sa mga singles, "in preparation". ^_^
1. LAGING TANDAAN NA KAYO AY REGALO NG DIOS PARA SA ISA’T ISA.
Remembering
that your spouse is a gift from God is a healthy thing to do. It will
somehow help you avoid thinking that your spouse is just a chance;
worst, a mistake. Totoo naman talaga na ang asawa ay regalo ng Dios. Ang
asawa ay hindi lang napulot kung saan. Ang asawa ay hindi galing sa
impakto. Lalong hindi siya hulog ng impiyerno. Ang asawa ay regalo ng
Dios. Laging tandaan na ang mga regalo ng Dios ay mabuti. Ang asawa mo
ay isa sa mga mabubuting regalo ng Dios sa iyo.
2. IPAKITA AT IPADAMA ANG PAG-IBIG SA PARAANG GUSTO NIYA.
May mga mag-asawang nagsabing:
“Hindi ko ,maramdamang mahal ako ng aking asawa.”
Ang
dahilan--hindi siya minamahal sa paraang gusto niya. Baka naman kasi
hindi sinasabi sa asawa kung paano niya gustong mahalin. Hindi masama at
lalong hindi nakakahiya na sabihin sa iyong asawa kung paano mo ibig
mahalin. Malaking tulong din kung tatanungin mo ang iyong asawa kung
paano niya gustong mahalin. Lalo kang mamahalin ng asawa mo kung
mamahalin mo siya sa paraang gusto niya.
3. SA ARI-ARIAN AT PERA HUWAG MAG KANYA-KANYA
Sa
mag-asawa, ang ari-arian ng isa ay ari-arian ng dalawa. Walang “akin,
akin.” Walang “sa’yo, sa’yo”. Lahat “atin ito.” Ang perang kinita ng
isa ay pera ng mag-asawa.
If in marriage the man and the woman
were one flesh, then what is owned by one is owned by the other. Kaya
huwag nang magtaguan pa. Ilabas na ang perang pinaakaka-ipit- ipit sa
pitaka.
4. SHOWER EACH OTHER WITH LOVE.
Diligin
ninyo ng pag-ibig ang isa’t-isa para sumagana ang pagsasama. Ang
maayos at matatag na pagsasama ng mag-asawa ay hindi nagaganap nang
basta basta ito ay parang halaman na inaalagaan at dindiligan.
Pag-ibig ang ipandilig, hindi masamang hinala, paninira, o
pangungutya.
5. MAGING CREATIVE SA PAGPAPAKITA AT PAGPAPADAMA NG PAG-IBIG
Ang
pagiging creative sa pagpapadama ng pag-ibig ay napakalaking tulong sa
pagpapanatili ng init ng pagsasama ng mag-asawa. Kung nag-iisip para
maging creative, may thrill, may excitement! Therefore hindi boring.
Nakasasawa kung paulit-ulit lang. paminsan-minsan dapat mayrong
konting pagbabago sa pagpapahayag at pagpappadam ng pag-ibig.
Halimbawa:
Kung
lagi mo lang sinasabi sa asawa mo “ I love you, “ ngayon isulat mo sa
magandang papel at ilagay mo sa magandang frame. O di ba creative? Kung
laging papel at ballpen ang ginagamit mo to say “ I love you” to your
spouse, ngayon kung kaya mong magrent ng jet plane ipasulat mo sa
ulap sa pamamagitan ng usok ang “ Ilove you” addressed to your spouse.
From paper and pen. To sky and usok. Wow! Di ba creative? Maging creative, OK!
6. SHOW CONCERN ON THE INTERESTS OF YOUR SPOUSE.
Huwag
lang himukin ang asawa na magpakita ng concern sa kung anung interests
mayroon ka. Magkusa ka rin naman magpakita ng concern sa interests ng
iyong asawa. Suportahan mo siya.
Alamin ang paboritong sports ng
iyong asawa at makipaglaro kung kaya mo rin lang. Makipag-usap sa
asawa tungkol sa mga paksang gusto niya. Samahan ang asawa kung gusto
niyang isama sa panood ng mga pelikulang gusto niya. Malaking tulong
sa masayang pagsasama ang maging concern sa interests ng isat-isa
7. SATISFY THE SEXUAL NEED OF YOUR SPOUSE
Attend not only to your personal sexual satisfaction but also to the satisfaction of your spouse.
Pag hindi mo sinikap na i-satisfy ang iyong asawa baka humanap siya ng ibang mag-sasatisfy sa kanya.
Misis:
· ihanda ang sarili para sa asawa.
· Maligo! Magpaganda! Magpabango!
· Huwag parang patay pag nakikipag “do.”
Mister:
· Huwag tratuhing sex object ang asawa mo.
· Be gentle at huwag gawing pang-akrobatik ang misis mo.
· Magtootbrush ka! Maligo! Magpabango
· Paano gaganahan ang misis mo kung mabaho ang hininga mo, amoy lansangan ang ulo mo;
amoy grasa ang katawan mo. Mahiya ka naman sa misis mo, no!
· Sikaping huwang maiwang bitin ang misis pag nakikipag “do.”
8. AVOID RETIRING TO BED WITH UNSETTLED ILL FEELING
Ang
paminsan-minsang ma-offend ng asawa o maka-offend ng asawa ay bahagi na
ng buhay mag-asawa. Kung sakaling ma-offend ka muli ng iyong asawa,
huwag mong hayaang makatulog ka ng may sama ng loob sa kanya. Huwag
hayaang makatulugan ang galit sa asawa, baka kasi pag pagising mo
patay ka na. Pangit mamatay na may kimkim na sama ng loob sa asawa.
Kung balak mong bukas ay alisin sa iyong dibdib ang samang dulot ng
iyong asawa, gawin mo na ngayon baka bukas ay huli na.
9. BE GENTLE AND TACTFUL IN CORRECTING AN ERROR COMMITTED BY YOUR SPOUSE
Walang asawang perfect. Lahat nagkakamali.
If
you need to correct an error committed by your spouse, be specific.
Attack an error committed by your spouse not his “being”. Approach
your spouse gently and tactfully. Kung hindi ka magiging maingat at
matalino sa pagtutuwid sa pagkakamali ng iyong asawa, ang pagtutuwid
mo ay magiging sanhi pa ng lalong ikagugulo ng inyong pagsasama. Dapat
lang na ituwid ang pagkakamali o kasalanan ng asawa. But make sure to
do it intelligently, tactfully, and cautiously.
Remember: In making corrections, don’t forget to offer solutions.
10. MANALANGING MAGKASAMA
Sikaping
huwag lumipas ang isang araw na hindi kayo nakapanalanging mag-asawa.
Manalangin pakagising sa umaga at bago matulog sa gabi. Ang
magkasamang pananalangin ay napakalaking tulong hindi lang sa “bonding”
ng mag-asawa kundi maging sa pagharap rin nila sa problema.
May
mga problemang ang hirap lutasin ng “patayo”. Subalit walang problema
na hindi malulutas kung ang mag-asawa ay “paluhod” na mananalanging
magkasama.
Tandaan: Ang isang buong araw ng mag-asawa ay maaapektuhan ng ilang minutong magkasamang panalangin nila.
11. RESPECT YOUR SPOUSE’S NEED FOR PRIVACY.
Natural
sa tao na minsan ay gustong mag-isa. Totoo ito maging sa mag-asawa.
Recognize your spouse’s need for privacy and honor it. Dapat ring
tanggapin ang katotohanang may mga bagay na para lang sa asawa at
hindi dapat pakialaman ng kahit sino pa. At mayron din naming mga
pagkakataon na may gagawin ang asawa na hindi dapat pakialaman o
panghimasukan dahil insulto sa kakayahan pag siya ay pinakialaman.
Kahit pa ng asawa niya.
12. TUMUPAD SA PANGAKO
Ang
pangko galing sa asawa ay nagdudulot ng saya. Pero higit na ligaya ang
madarama kung ang asawa ay tumutupad sa pangako niya. Huwag lang puro
pangako. Tumupad ka! Liligaya ang iyong asawa, titibay ang pasasama,
kung sa pangako tumutupad ka! POGI points at BEAUTY points ang
pagtupad sa pangako sa asawa.
13. PAG NAGALIT, SIKAPING TUMAHIMIK MUNA.
Matalinong
pagpapasya ang tumatahimik muna pag nagalit sa asawa. Ang tao pag
galit ay may tendensya na makapanakit. Sino mang nasaktan ay may
tendensyang manlaban at manakit din naman. Makatutulong na maiwasan
ang away at pananakit, kung sa panahong ikaw ay galit, manahimik muna,
MANALANGIN at mag-isip-isip.
14. IWASAN ANG PAGSIGAW SA ASAWA LALO SA HARAP NG IBA.
Ang
pagsisigaw sa asawa lalo na harap ng iba ay isang tanda ng kakulangan o
kawalan ng paggalang sa asawa. Pwera na lang kung bingi ang asawa,
hindi tamang sinisigawan siya. Nababastos at namumukhang tanga ang
iyong asawa kung sisigawan mo siya lalo sa harap ng iba. Siguro naman
ayaw mong nababastos at nagmumukhang tanga ang iyong asawa. Kaya huwag
mong sisigawan ang iyong asawa.
15. BE APPRECIATIVE OF YOUR SPOUSE’S TALENTS ANG ABILITIES.
Congratulations sa mga gumagawa nito. At ‘yong hindi gumagawa nito, magbago na kayo!
Make
your respective spouses happy and be an encouragement to them, help
develop your spouse’s talents and abilities. Malaking kagalakan at
encouragement sa iyong asawa kung isa ka sa mga taong nag-a-appreciate
sa kanya. Marami ang nagtatampo o nagagalit sa asawa dahil hindi
ina-appreciate ang kanilang talento at abilidad ng kani-kanilang
asawa.
Appreciate the talents and abilities of your spouse. But more importantly, appreciate your spouse.
DO IT NOW.
16. IWASANG PINTASAN ANG ASAWA.
Hindi
madaling tanggapin ang pintas galing sa ibang tao. Lalong mahirap
tanggapin kung ang pintas ay galing aasawa mo. Napakasakit nito lalo pa
kung naririnig ng ibang tao. Imbis na pintasan ang asawa mo tulungan
na lang siyang magbago. At kung may sasabihin ka sa ibang tao tungkol
sa asawa, magagandang bagay na lang ang ikuwento, huwag ang kapintasan
niya.
17. TULUNGAN SIYANG HUWAG MAGKASALA.
Mas
madaling makaiiwas sa pagkakasala ang iyong asawa kung tutulungan mo
siya. Sa paglaban sa tukso suportahan ang asawa. Laging alalahanin na
ang pagbagsak ng asawa ay pagbagsak ng pamilya. Alamin kung ano ang
laban ng iyong asawa. Laban mo rin ang laban ng iyong asawa kaya lubos
na tulungan siya. Hindi: “BAHALAKA.” Ang kailangan –“SUPORTAHAN TA
KA.”
18. ANG GALIT SA IBA AY HUWAG IBALING SA ASAWA.
Kung
sakaling nagalit ka sa ibang tao, halimbawa sa presidente ng kompanyang
pinagtatrabahuhan mo, sa boss mo, o sa kanino mang tao na tinitingala
mo na hindi mo kayang ipakita ang galit mo,
huwag mong ibaling
sa iyong asawa ang galit mo. Maging aware ka dito dahil pwedeng
mangyari ito nang hindi mo namamalayan. Unconsciously you might
transfer your anger with someone else to your spouse. It happens to
some. I pray it won’t happen to you.
19. WHEN YOU HAVE OFFENDED YOUR SPOUSE, LEARN TO SHOW YOU’RE SORRY.
Pag na-offend mo ang iyong asawa, kung talagang sorry ka, ipakita mo na totoong sorry ka.
When
you realize that you have wronged your spouse, don’t just say “I’m
sorry.” Show that you really are sorry. Show it with your face and show
it with your actions. May mga nagso-sorry sa asawa na habang sinasabi
ang “I’m sorry” ay nakangisi. Lalo tuloy nabubuwisit ang asawa niya sa
kanya. May mga nagsasabing “I’m sorry” sa asawa na wala namang
pagbabagong makita sa pakikitungo sa asawa. When you say you’re
sorry, mean it. And show that you really are sorry.
20. FORGIVE.
Patawarin
mo ang iyong asawa. Kailan? Pag nagkasala! Kahit pa gaano katindi ang
kasalanang nagawa sa iyo ng asawa mo, patawarin mo siya para wala kang
bigat na dinadala. Ang ‘di pagpapatawad ay nakasasakit ng ulo.
Nakakapangit pa ito! Talo ang ‘di nagpapatawad. Panalo ka kung
magpapatawad ka. Ang pagpapanatili ng galit ay nagdudulot ng hinagpis
at karaniwang humahantong sa pananakit. May galit ka pa ba sa asawa
mo? Patawarin mo na siya.
The earlier you forgive when you get offended by your spouse, is better than best.
Tandaan: Hindi optional ang magpatawad. Ang magpatawad ay utos ng Dios.
21. AVOID NAGGING
Nakakainis ang asawang nagger. Ayon sa ilang asawa ng nakausap ko:
“Lalo akong nagtatampo pag nina-nag ako ng asawa ko.”
“Gusto kong sungangain ang bibig ng asawa ko.”
“Nanliliit ako and I feel stupid pag nina-nag ako sa asawa ko.”
Ikaw, ano ang pakiramdam mo pag nina-nag ka ng asawa mo?
Kung
may nagawang pagkakamali ang iyong asawa at gusto mong sabihin sa
kanya, minsan lang itong sabihin sa kanya. At huwag idagdag pa dito
ang mga dati pang mali na nagawa niya. Sa pagsasalita, sikaping maging
mahinahon, huwag pagalit, hindi nang-iinis o nanlalait.
22. HAVE A SENSE OF HUMOR.
Nakakapangit ang laging nakakunot ang noo. Sa mag-asawa kailangan ang ngiti at tawa.
Can
you imagine a couple without a sense of humor? Boring ‘di ba? Ang
lungkot ng buhay ng mag-asawa pag walang sense of humor. Parang laging
may patay. It’s nice to make people happy especially your spouse. Have a
sense of humor. Patawanin mo ang iyong asawa. Learn to crack good
funny jokes. Dagdag ligaya kung ang asawa ay marunong magpatawa.
23. MANGARAP! MAGTIYAGA! MATALINONG GUMAWA.
Libreng
mangarap. Mangarap kayong mag-asawa at magkasamang magplano tungo sa
katuparan ng inyong pangarap. Walang challenge ang buhay kung walang
pangarap sa buhay ang mag-asawa. Magkaroon kayo ng kaisahan sa inyong
pangarap. Mahirap para sa mag-asawa ang walang isang pangarap. Walang
tagumpay kung walang pangarap. Pero huwag lang puro pangarap. Baka
bangungutin kayo kung puro pangarap lang. Maging masipag, at matiyaga.
Magtrabaho nang husto, gumawa, at maging matalino sa paggawa.
24. MORE THAN WINNING THE ARGUMENT, AIM TO WIN YOUR SPOUSE.
Natural
sa mag-asawa ang paminsan-minsan ay magkaroon ng argumento. Kung
sakaling mangyari ito sa inyo, aim on winning your spouse, more than
winning the argument against your spouse. Aanhin mo ang manalo sa
argumento kung mawawala naman sa’yo ang asawa mo. Sige, isipin mo.
25. MAGING ATTRACTIVE SA IYONG ASAWA.
Maraming
asawa ang nahulog sa kandugan ng iba kasi hindi na attractive para sa
kanya ang kanyang asawa. Huwag kayong magpabaya sa inyong itsura.
Mag-exercise at iwasan ang walang pakundangang pagkain nang sobra para
‘di masira ang inyong pigura. At sikapin na rin na maging mabango para
sa asawa. Tanungin din ang asawa kung anong amoy at itsura ang gusto
niya.
Sundin ang gusto ng asawa para maging attractive sa kanya.
I-attract mo ang iyong asawa baka kasi iba pa ang umattract sa kanya.
Sige ikaw rin. Baka magsisi ka.
26. MAGING KONTENTO KAYO.
Delikado
ang maaaring kahinatnan ng mag-asawang walang kakuntentuhan sa kung
ano’ng mayron sila. Gulo ang kasasadlakan. Ano ba ang kailangan para
maging kontento ang tao? Ang kasapatan ba ng lahat ng pangangailangan?
Kung dito nakabase ang kakuntentuhan walang mag-asawang mauubusan ng
pangangailan. Therefore, walang mag-asawang makukuntento. Hindi masama
ang maghangad ng karagdagan para sa kinabukasan. Pero maging kuntento
muna at magpakaligaya sa kung ano ang mayron kayo ngayon. Baka kasi
hindi dumating ang bukas. Pag dumating ang “bukas,” ang “bukas” ay
naging “ngaun.” Kaya kung ano mayron kayo, magpakaligaya at maging
kuntento. Kung kuntento ka sakaling mamatay ka ngayon, maluwag ang
iyong dibdib na ikaw ay papanaw at marahil nakangiti ka pa hanggang
kabaong.
27. UMIWAS SA MGA SITWASYON NA MAARING MAGBUNGA NG MASASAMANG HINALA
Para
hindi ka mapagbintangang na may ginagawang masama, iwasan ang mga
sitwasyong kanina-hinala. Huwag kang magasasama o sasama sa hindi mo
asawa sa isang lugar na makukwestiyon ang iyong pagsasama.
Halimbawa:
Sa loob ng pribadong sasakyan (dalawa lang kayo sa loob ng kotse);
Sa park ng pang magnobyo o pang mag-asawa; Sa loob ng hotel.
Mahirap
paniwalan na ang isang lalake at isang babaeng galing sa loob ng
hotel ay nagprayer meeting, nagkwentuhan, nagjack en poy lang.
Mag-ingat! Umiwas!
28. BE GENTLE.
Gentleness
to your spouse can be best exemplified by being considerate of your
spouse’s feeling and thoughts. Bago mo gawin ang isang bagay o bago mo
sabihin ang gusto mong sabihin isipin mo muna kung ano ang maaring
bunga nito sa isip at damdamin ng iyong asawa. Hindi komo’t gusto mo
ay gagawin mo na lang basta-basta. I-kunsidera mo naman ang isip at
damdamin ng iyong asawa.
Sa pagsasalita, sa gawa, maging sa paghipo at paghawak, maging gentle sa asawa.
29. BE PROUD OF YOUR SPOUSE.
Ipinagmamalaki
mo ba ang iyong asawa? Dapat lang! Proud ka bang nakikita ang itsura
ng asawa mo o gusto mong takpan siya ng dyaryo habang ipinakikilala mo
siya sa ibang tao? Huwag mong ikahiya ang iyong asawa. Be proud of your
spouse.
30. IGALANG ANG OPINION NG ASAWA.
Ang
lahat ay may karapatang magpahayag ng kanyang sariling opinion. Ito man
ay mali o tama. Igalang ang opinion ng asawa. Kahit ‘di ka
sumang-ayon sa opinion ng iyong asawa ipakita mong iginagalang mo ito.
Ang hindi pagkakapareho ng opinion ng iyong asawa sa iyo ay hindi
nangangahulugang mali siya. Hindi lahat ng naiiba ay mali . Pero kahit
pa hindi ka sang-ayon sa opinion ng asawa, dapat pa rin na igalang
ang opinion niya. Ang hindi pagsangayon ay hindi nangagngahulugan ng
kawalan ng paggalang. Ang mahalaga, igalang ang opinion ng asawa.
Tanda kasi ito ng paggalang sa kanya. Igalang ang asawa.
31. HUWAG MAGING “BOSSY”.
Sa
mag-asawa walang “amo.” Walang boss. Dapat parehong naglilingkod sa
isa’t-isa. The husband being appointed by God as head of the wife is not
taken as “Lord over the wife.” Hindi rin naman tama na ang wife ay
hindi nagpapasakop sa husband. Huwag mong tratuhing alila ang iyong
asawa. Pumarehas ka kahit pa mas malaki ang kinikita mo kumpara sa
kanya. Kung uutusan ang asawa don’t forget the magic word-“PLEASE.” At
kung wala kang ginagawa at may ginagawa ang iyong asawa, huwag mo na
siyang abalahin pa. Kung kaya mo rin lang ang gagawin, huwag mo nang
iasa pa sa asawa.
32. MAGING MAUNAWAIN.
Kung
gusto mong lalo kang mahalin ng iyong asawa ipakita mong inuunawa mo
siya. Totoong kailangan mo ang pang-unawa. Pero higit sa hanapin mo sa
asawa ang unawain ka, mas unahin mo ang unawain siya. Sa bandang huli
ang hinahanap mong pang-unawa galing sa iyong asawa ay ibibigay din
niya. Ang pagpapkita ng pang-unawa ay malinaw na ebidensya ng
pagmamahal sa asawa.
33. KEEP COMMUNICATION LINES OPEN.
Dapat
lang sa mag-asawa na alamin at ipaalam ang kalagayan ng isa’t-isa. This
will not happen if the couple will not keep their communication lines
open. Basic indicators of good communication between a husband and
wife:
Clear transmission of message--be it thoughts or feelings.
Listening--don’t just butt in.
Understanding--seeing from the perspective of the one who speaks.
Empathy--feeling with.
Maraming problema ang maiiwasan ng mag-asawa kung laging bukas ang komunikasyon nila para sa isa’t-isa.
34. MAGING MAHINAHON SA PAG-UUSAP PAG MAY PROBLEMANG NILULUTAS.
Walang
problemang ‘di malulutas sa mahinahong pag-uusap. Sa totoo lang,
maraming problema ang hindi na sana lumala pa kung sa pag-uusap ay
naging mahinahon ang mag-asawa. Hindi makakatulong sa paglutas ng
problema kung nagsisisihan ang mag-asawa. Magpokus sa solusyon huwag
sa pagkakamali o sa problema ng isa’t-isa. Iwasan din ang pangungutya
at magtaas na tono pag nagsasalita. Bahagi rin ng pagiging mahinahon
ang paggamit ng mga tamang salita.
35. LET YOUR SPOUSE KNOW YOUR FEELINGS AND THE PREDICAMENT YOU ARE IN.
Tell
your spouse not only your thoughts but also your feelings. Letting your
spouse know your feelings and the predicament you are in will somehow
help your spouse act accordingly. Ewan ko lang kung nakakabasa ng
isip ang asawa mo, hindi naman manghuhula ang asawa mo para malaman
niya ang iniisip at nararamdaman mo. Sa panahong nanghihina o
nagdaramdam ka, magandang sabihin ito sa asawa. Huwag sarilinin ang
pagdurusa. Dahil ang mag-asawa dapat magkasama sa hirap at ginhawa.
Walang silbi ang asawa kung sa panahon ng pagdurusa ay hindi
nakikiisa. Pero mahirap malaman ng iyong asawa ang lagay mo kung hindi
mo ito sasabihin sa kanya.
Huwag mahiya.
Huwag mag-alala.
Magsabi ka sa asawa.
36. IWASANG ISUMBAT ANG MGA NAKALIPAS NA PAGKAKAMALING NAGAWA NIYA.
May
mga taong pag nagalit sa asawa ay binabalik-balikan ang matagal ng
pagkakamaling nagawa ng asawa. At pauli-ulit na isinusumbat ito sa
kanya. Pag ganito ng ganito, sisikip ang mundo ng iyong asawa at baka
marapatin pang iwan ka niya. Ang kasalanang pinagsisisihan na ay hindi
na dapat isumbat pa. Pag may bagong nagawang pagkakamali ang iyong
asawa, huwag mong isama iyong mga luma na. Walang kahihinatnang
maganda ang isumbat sa asawa ang pagkakamaling lipas na.
37. IWASANG GAWIN ANG ANO MANG BAGAY NA ALAM MONG IGAGALIT NIYA.
May
mga asawa na talagang nananadya. Tahasang ginagawa ang mga bagay na
alam na ikagagalit ng kanyang asawa. HUWAG GUMAYA SA KANILA. Yon naman
eh… kung ayaw mong masira ang pamilya. Hindi lang asawa ang masamang
epekto pag tahasang ginagawa mo ang alam mong nakasasakit sa iyong
asawa. Maaaring gantihan ka ng iyong asawa at pati ang anak mo,
maaaring gayahin ka at tahasan ring saktan ka. Huwag gawin sa asawa
ang mga bagay na ayaw mong sa iyo ay gawin niya.
38. SA PANAHONG NANGHIHINA ANG LOOB NG ASAWA, MAGING SOURCE OF ENCOURAGEMENT PARA SA KANYA.
May mga panahon maaaring manghina ang iyong asawa gawa ng kinakaharap na problema.
Maging
katuwang ka sa pagresolba ng problema at huwag na maging pabigat pa.
Kung kailangang magsakripisyo para makatulong--magsakripisyo! Kung
kailangang tumahimik para makatulong--manahimik! Gawin mo ang magagawa
mo para matulungang malutas ang problema ng asawa.
Be a source of encouragement.
39. IWASAN ANG PAKIKIALAM SA MGA BAGAY NA INAARING PERSONAL NG IYONG ASAWA.
Personal
letters, text messages, bag at pitaka, at iba pang mga bagay na
inaaring personal ng iyong asawa, huwag mong basta-basta babasahin,
kakalkalin, at pakikialaman. Magpaalam.
40. MAGTIWALA
Ang
pagpapakita ng pagtitiwala sa asawa ay malaking tulong tungo sa
magandang pagsasama. Kung noon ay niloloko ka ng iyong asawa, ang
magtiwala sa kanya ay maaring maging tulong tungo sa pagbabago niya.
Para sa isang naglolokong asawa, hindi madaling gawin ang magbago lalo
kung walang tulong na manggagaling sa kanyang asawa. Kung sakaling sa
kabila ng ipinakita mong pagtitiwala sa iyong asawa ay niloko ka pa
rin niya, alalahanin mong sa iyo ay walang nawala. Sa iyong asawa ay
marami ang nawala. Sa pagtitiwala, walang nawawala. Sa manloloko,
marami ang nawawala.
41. MAGING BEST FRIEND KA NG ASAWA MO.
“Ako ng asawa mo.” Yes!” tinuturing ka bang kaibigan ng iyong asawa?
Sagot pls.________ _________ ______
Sa hanay ng mga kaibigan ng iyong asawa, “Ikaw ba ay kinikilala ng iyong asawa ng kanyang matalik na kaibigan?”
Sagot pls.________ _________ _________
“Asawa mo, best friend ka ba?”
Sagot pls.________ _________ _________ _
Dapat matalik na kaibigan ka ng iyong asawa.
Mas dapat…PINAKAMATALIK.
42. HUWAG GAWING KATATAWANAN ANG KAMALIAN, KAKULANGAN, AT KAIBAHAN NG IYONG ASAWA.
Lahat
ay nakakamali, lahat ay nagkukulang. Lahat ay may kaibahan. Walang
taong matutuwa pag pinagtatawanan ang kanyang kakulangan, kamalian, o
kaibahan. Tahasang pangungutya sa asawa ang pagtawanan ang kaibahan o
pagkakamali niya. Hindi tama na ginagawang biro ang pagkukulang,
o mga bagay na hindi pangkaraniwan sa asawa.
Gaya ng:
Kuntil sa tenga,
Putol na daliri o sobra sa sampu ang daliri,
Ilong na parang tapon,
Kulay ng balat,
Butas ng ilong na mukhang garapon,
At iba pa.
Huwag
pagtawanan ang kamalian, kaibahan at kahinaan ng asawa. Iwasang
pagtawanan ang asawa. Baka gulpihin ka o kaya baka mawalan ka ng asawa.
43. MAGING MAKA-DIYOS.
Sa
pagsasama ng mag-asawa ang pagiging maka-Dios ang pinakamahalaga. Ang
pagiging maka-Dios ang siyang magdadala sa mag-asawa sa isang matibay
na pagsasama at totoong pagkakaisa. Natural sa mag-asawa ang datnan ng
iba’t-ibang problema. Pagka maka-Dios ang mag-asawa mananatiling
matatag ang kanilang pagsasama kahit gaano katindi ang problemang
kinakaharap nila. Ang ikinatatag ng ugnayan ng mag-asawa ay hindi
nakadepende sa dami ng pera o sariling kakayahan ng mag-asawa. Ang
ikinatatatag ng relasyon ng mag-asawa ay nakadepende sa Dios na siyang
pundasyon ng pagsasama. Sa panahong tahimik o may kaguluhan, panahong
tag-init o tag-ulan, maging maka-Dios ka at ang iyong asawa.
44. BE ATTENTIVE PAG MAY SINASABI SIYA SA IYO.
‘Di
ba pag kinakausap mo ang iyong asawa gusto mo nakikinig siya? Gusto rin
ng asawa mo na pakinggan mo siya pag kinakausap ka niya. ‘Di ba ayaw
mo na may ginagawang kung anu-ano ang iyong asawa pag kinakausap mo
siya? O ‘di ganon din ang gawin mo. Huwag kang gumagawa ng kung
anu-ano pag kinausap ka ng asawa mo. May mag-asawang mukhang magkausap
silang dalawa. Mukha lang pala. Dahil ang kausap nila ay sari-sarili
pala at hindi ang isa’t-isa. Nakakabanas! ‘Di ba?
Babala: Huwag silang tularan.
45. IPAKITA AT IPADAMA NA MAHALAGA ANG IYONG ASAWA.
Ang
sarap ng pakiramdam kung feeling important ka ‘di ba? Ang asawang
nakadama na siya ay ‘di mahalaga sa kanyang asawa ay nag-mumukhang aba,
nahahabag sa sarili, at nagiging madrama. Ipakita at ipadama na
mahalaga sa iyo ang iyong asawa. Masarap kasama ang taong sa iyo ay
nagpapahalaga. Maraming mag-asawa ang naghiwalay dahil sa kawalan ng
pagpapahalaga sa isa’t-isa. Ipakita at ipadama na mahalaga sa iyo ang
iyong asawa.
46. IIWAS SA SELOS ANG ASAWA.
Maraming
mag-asawa ang nag-away at nasira ang buhay dahil sa selos. Marami ang
nasiraan ng bait, pumatay at napatay dala ng matinding pagseselos.
Natural na magselos kung kaselos-selos.
Magtaka ka kung may dapat
pagselosan sa’yo ang iyong asawa tapos hindi siya nagseselos. Ang
pinakamaganda, iiwas sa selos ang asawa. Kung sakaling hindi sinasadya
may nagawa ka o kaya may nagawa ang iba na napansin mong
ipinagseselos sa iyo ng iyong asawa, ayusin agad. Huwag patagalin pa.
Linawin ito at sikaping huwag maulit pa.
Tandaan: Ang selos ay parang lason. Naninira, nakamamatay.
47. HUWAG SABAT NANG SABAT KUNG ASAWA MO ANG KAUSAP NG IBA.
May
mga asawang sabat ng sabat kahit hindi siya ang kinakausap. Turn off ka
ba sa asawang sabat ng sabat? Correct ka diyan! Nakakaturn-off talaga
ang asawang sabat nang sabat kahit hindi kinakausap. Kaya ikaw,
iwasan ang pagsasabat-sabat kung asawa mo ang kausap.
Kahanga-hanga ang asawang ‘di palasabat.
48. MAGSAMA AT MAGKAISA SA PAGGAWA NG DESISYON.
Sa
paggawa ng desisyon dapat lang na magkasama at nakakaisa ang mag-asawa.
Sa mag-asawa, hindi tamang isa lang ang gagawa ng desisyon lalo pa
kung maselan o major decision ang gagawin.
Kagaya ng:
Paglipat ng bahay,
Pagbili at pagbebenta ng ari-arian,
Pagdisiplina sa mga anak,
At iba pa.
Bago
gumawa ng desisyon dapat lang na ang mag-asawa ay nag-uusap muna at
nananalanging magkasama. Daan ito tungo sa pagkakaisa.
49. HUWAG KALIMUTAN ANG MGA ARAW NA PINAHAHALAGAHAN NG IYONG ASAWA.
Hindi
dapat makalimutan ang mga araw na pinahahalagahan ng iyong asawa lalo
na ang birthday at wedding anniversary. Give your spouse special
greetings on special occasions. Better still, give your spouse a treat
on special occasions. Gawin mo ito sa asawa mo. Sigurado ako, LOVE
points ang bunga nito. Remember: Don’t forget!
50. BE RESOLVED TO LIVE WITH YOUR SPOUSE ALL YOUR LIFE.
Ang
relasyon ng mag-asawa ay panghabambuhay. May kasabihan: “Ang pag-aasawa
ay hindi parang kaning isusubo at iluluwa pag napaso.” In solving
marital problems, lot of solutions can be considered as the options.
God hates divorce. God intends marriage to be for life. Maraming
mag-asawa ang naghiwalay na. Marami na sila. Hindi na kayo dapat
dumagdag pa. Magsama kayong mag-asawa sa lungkot at ligaya, sa hirap o
ginhawa, meron o walang pera, hanggang may hininga.
Remember: What God has joined together, let no man separate.
Mark 10:6-9 and Matthew 19:4-6
"..at the beginning of creation God ‘made them male and female.'
'For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife,
and the two will become one flesh.' So they are no longer two, but one flesh.
Therefore what God has joined together, let no one separate."